Kapwa sa ating pisikal na buhay at espirituwal na buhay, laging maraming pagsubok at mga balakid. Noon, nang humarap ang mga Israelita sa malalaking pagsubok — ang disyerto na walang tubig at pagkain, at ang lupain ng Canaan na tinitirhan ng mga higante, nilagak nina Josue at Caleb ang kanilang pag-asa sa Diyos lang. Tulad nila, kailangan natin ng pananampalataya upang makita ang pintuan ng pag-asa na binubuksan ng Diyos para sa atin sa gitna ng mga paghihirap.
Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay at pag-akyat ni Jesus sa langit, binuksan ng Diyos ang pintuan ng pag-asa tungo sa kaharian ng langit para sa mga banal ng sinaunang Simbahan na nawalan ng pag-asa sa pagkakapako kay Jesus sa krus. Ipinakita rin ni Jesus kay Pedro, na walang nahuli sa buong magdamag, ang himalang nabubunyag pag kumilos tayo ayon sa Kanyang salita. Gaya nito, ngayon din, ang mga salita ni Cristo Ahnsahnghong na, “Ang ebanghelyo ay ipapangaral sa buong mundo,” ay tiyak na matutupad.
“PANGINOON, ipaalam mo sa akin ang aking katapusan, at kung ano ang sukat ng aking mga araw; ipaalam sa akin kung gaano kadaling lumipas ang aking buhay! … At ngayon, Panginoon, sa ano pa ako maghihintay? Ang aking pag-asa ay nasa iyo.” Psalms 39:4–7
“Subalit ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ang magandang balitang ito ng kaharian ay ipahahayag sa buong daigdig bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas.” Matthew 24:13–14
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy