Nang ang mga Israelita ay napalaya mula sa pagkaalipin sa Ehipto, nang pumasok sila sa Canaan na lupaing ipinangako, nang nanumbalik sa Diyos sina Haring Josias at Haring Hezekias na dating sumasamba sa mga diyos-diyosan, at kahit nang napalaya ang mga Israelita mula sa pagkabihag, ang Paskuwa ang nasa sentro.
Gaya ng sa mga panahong iyon, ang gawain ng pagliligtas ng Diyos ay nalalantad sa pamamagitan ng Paskuwa ngayon.
2,000 taong nakalilipas, ang Paskuwa ng bagong tipan, na pinakahahangad ni Jesus na ipagdiwang kasama ang Kanyang mga alagad, ay inalis noong A.D. 325 dahil sa pagsasabwatan sa pagitan ng relihiyon at politika at nawala sa kadiliman; gayunman, gaya ng prinopesiya, dumating si Cristo Ahnsahnghong at sinimulan Niya ang gawain ng kaligtasan sa pamamagitan ng Paskuwa.
Sinabi niya sa kanila, “Pinakahahangad kong kainin na kasalo kayo ang kordero ng Paskuwang ito bago ako magdusa”
Luke 22:15
Nang unang araw ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsasabi, “Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ka ng kordero ng paskuwa?”
At sinabi niya, “Pumunta kayo sa isang tao sa lunsod at sabihin ninyo sa kanya, ‘Sinabi ng Guro, Malapit na ang oras ko; sa iyong bahay ko gaganapin ang paskuwa kasama ng aking mga alagad.’ ”
Matthew 26:17–18
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy