Pag tumitingin tayo sa liwanag, may lumilitaw na anino sa likuran natin, pero pag tumalikod tayo sa liwanag, humaharang sa ating daan ang anino.
Sa parehong paraan, pag tumungo ang sangkatauhan sa Diyos na Siyang liwanag, hindi sila kailanman mahaharangan ng kadiliman.
Gaya ni Jeremias sa Panahon ng Ama at ng mga apostol sa Panahon ng Anak, pag hinatid natin ang liwanag ng luwalhati ng Diyos, maaari tayong humarap sa pag-uusig at sa mga harang.
Gayunman, sa huli, marami tayong matatanggap na pagpapala.
Hinatid nina Isaias, Jeremias, at Ezekiel ang liwanag ng Diyos Jehovah sa Panahon ng Ama, at hinatid nina Apostol Pablo, Pedro, at Juan ang liwanag ng luwalhati ni Jesus sa Panahon ng Anak.
Gaya nito, sa Panahon ng Espiritu Santo, ang mga miyembro ng Church of God sa 175 bansa sa buong mundo ay naghahatid ng liwanag ng luwalhati ni Cristo Ahnsahnghong at ng Makalangit na Inang Jerusalem na dumating bilang mga Tagapagligtas.
Ikaw ay bumangon, magliwanag ka, sapagkat ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay sumikat sa iyo. Sapagkat narito, tatakpan ang lupa ng kadiliman, at ng makapal na dilim ang mga bayan. Ngunit ang PANGINOON ay sisikat sa iyo, at ang kanyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong pagsikat.
Isaiah 60:1–3
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy