Gaya ng makakabalik ang mga salmon at mga kalapati sa kanilang tahanan gaano man kalayo ang narating ng mga ito, sinabi ng Diyos, “Ilalagay Ko ang Aking kautusan sa kanilang mga puso,” at nilagay ang kautusan ng bagong tipan sa loob ng mga puso ng sangkatauhan para makabalik sila sa kanilang walang hanggang makalangit na tahanan.
2,000 taong nakalilipas, hinasik ni Jesus ang mabubuting binhi (ang Sabbath at ang Paskuwa) para ipagkaloob sa sangkatauhan ang kaharian ng langit.
Gayunman, ang mabubuting binhi ay nawala kalaunan at napalitan ng mga damo, iyon ay, mga utos ng mga tao na hinasik ng kaaway, ang diyablo.
Sa kabila nito, hindi kailanman nalilimutan ng mga anak ng Diyos ang bagong tipan na nakatanim sa kanilang mga kaluluwa kundi inuunawa ito gamit ang kanilang puso, at lumalapit kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina, na gumagabay sa kanila sa kaharian ng langit, ang bayang-pinagmulan ng kanilang mga kaluluwa.
“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng PANGINOON, na ako’y gagawa ng panibagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda . . . Ngunit ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng PANGINOON: Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako’y magiging kanilang Diyos at sila’y magiging aking bayan.”
Jeremiah 31:31–33
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy