Namatay sina Adan at Eva sa pagkain mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, ang tulisan na nasa kanan ng krus ay naligtas, ang dalawang lalaking bulag ay gumaling at nakakita, gumaling ang babae na labindalawang taon nang dinurugo, at tatanggap ng kaloob na buhay na walang hanggan ang lahat ng taong kumakain ng laman ni Jesus at umiinom ng Kanyang dugo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa tinapay at alak ng Paskuwa; ang lahat ng ito ay resulta ng kapangyarihan ng salitang lumalabas mula sa bibig ng Diyos.
Sa Panahon ng Anak, mag-isang nagbigay si Jesus ng tubig ng buhay sa mga lumapit sa Kanya sa huli at dakilang araw ng Kapistahan ng mga Tabernakulo. Sa Panahon ng Espiritu Santo, ang mga lumalapit kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina, na dumating bilang ang Espiritu at ang Babaing ikakasal, ay tatanggap ng tubig ng buhay, iyon ay, ang Espiritu Santo na sa pamamagitan nito ay maisasakatuparan nila ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng salita ng Diyos.
Nang huling araw ng dakilang araw ng pista, si Jesus ay tumayo at sumigaw na nagsasabi, “Kung ang sinuman ay nauuhaw, lumapit siya sa akin at uminom. Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buháy.’ ” Ang ibig niyang sabihin ay ang Espiritu, na sa kalaunan ay tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya.
John 7:37–39
Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika.” At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.” At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.
Revelation 22:17
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy