Ang Araw ng Pagtubos ay ang dakilang araw kung kailan ang lahat ng kasalanan ng mga tao at ng mga pari ay napapatawad. Nakalimutan ng mga Israelita ang biyaya ng Diyos, at nagkasala sila sa pagsamba sa isang diyos-diyosan, ang gintong guya. Kaya binasag ni Moises ang unang pangkat ng Sampung Utos na ibinigay ng Diyos. Nagsisi ang mga Israelita sa kanilang mga kasalanan, at ipinagkaloob ng Diyos sa kanila ang ikalawang pangkat ng Sampung Utos; ang araw na ito ay naging ang pinagmulan ng Araw ng Pagtubos.
Sa Lumang Tipan, ang lahat ng kasalanan ng Israel ay pansamantalang nilipat sa santuwaryo hanggang sa Araw ng Pagtubos. Ngayon, ang lahat ng ating kasalanan ay nilipat kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina, na kapwa realidad ng santuwaryo. Pagkatapos, sa Araw ng Pagtubos, ang lahat ng ating kasalanan ay nililipat kay Satanas na siyang pinagmulan ng kasalanan. Kalaunan, hahatulan si Satanas sa di-matarok na kalaliman, iyon ay, sa impiyerno, at sa ganitong paraan, mawawala sa wakas ang lahat ng kasalanan.
At nagsalita ang PANGINOON kay Moises, na sinasabi, “Gayundin, ang ikasampung araw ng ikapitong buwan ay araw ng pagtubos. Magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong, magpakumbaba kayo, at mag-alay kayo ng handog sa PANGINOON na pinaraan sa apoy.”
Leviticus 23:26–27
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya, at kanyang sinabi, “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!”
John 1:29
At ang diyablo na dumaya sa kanila ay inihagis sa lawa ng apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng halimaw at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailanpaman.
Revelation 20:10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy