Dahil sinasabi ng Diyos na ang mga naniniwala sa Kanya ay tatanggap ng Espiritu Santo, ang mga nagnanais na tumanggap nito ay dapat na maniwala at sumunod sa mga katuruan ng Diyos Jehovah sa Panahon ng Ama, ni Jesus sa Panahon ng Anak, at ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, na dumating bilang ang Espiritu at ang Babaing ikakasal, sa Panahon ng Espiritu Santo.
Ang mga sumusunod sa salita ng Diyos ay ang mga tunay na naniniwala sa Kanya. Kung paanong pinagpala sina Noe, Abraham, Moises, Josue, at Caleb dahil sa pagsunod sa salita ng Diyos, gayundin pagpapalain ngayon ang mga taong may pananampalataya na nangingilin ng araw ng Sabbath at ng Paskuwa — ang mga salita ng Diyos.
“Ang mula sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos. Ang dahilan kung bakit hindi ninyo pinakikinggan ang mga ito ay sapagkat kayo’y hindi mula sa Diyos.” John 8:47
“Itatatag ka ng PANGINOON na isang banal na bayan para sa kanya, gaya ng kanyang ipinangako sa iyo, kung iyong gaganapin ang mga utos ng PANGINOON mong Diyos, at lalakad ka sa kanyang mga daan. Makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng PANGINOON at sila’y matatakot sa iyo.” Deuteronomy 28:9–10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy