Ang bawat taong isinilang sa lupang ito, gaya nina Solomon at Job, ay dating mga anghel na nanirahan sa kaharian ng langit. Tinuturo sa atin na ang buhay sa lupa ay punô ng paghihitap at kalungkutan dahil ito ang lugar kung saan ipinatapon ang mga anghel na dating namuhay sa luwalhati kasama ang Diyos sa langit matapos gumawa ng malaking kasalanang humahantong sa kamatayan.
Sa panahon natin nagyon, ang Siyang nagbalik ng nawalang Paskuwa ng bagong tipan ay walang iba kundi ang ating Diyos. Ito ay dahil ang Paskuwa ng bagong tipan ang tipang tinatag ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo sa krus, upang ang lahat ay mapatawad sa mga kasalanang humahantong sa kamatayan — ang mga kasalanang nagawa sa langit — at makabalik sa kaharian ng langit.
Sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya Ephesians 1:7
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. Romans 6:23
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy