Ang mga salmon ay nabubuhay sa dagat at bumabalik sa kanilang lugar ng kapanganakan para mangitlog. Sa prosesong ito, tulad ng tinitiis ng salmon ang kirot gamit ang nakaimbak na enerhiya nito nang hindi kumakain, dapat din nating madaig ang kirot ng pagkapanganak na muli sa pagtapon sa lahat ng masasamang pag-uugali at gawi na natutunan natin sa mundong ito at magsikap na makabalik sa ating walang hanggang makalangit na tahanan kung saan nananahan sina Ama at Ina.
Sa oras na ito, kung kailan ang lahat ng bansa ay lilipad papunta sa mga bisig ng Makalangit na Ina ng Jerusalem gaya ng prinopesiya sa Biblia, laging isinasagawa ng mga miyembro ng Church of God ang “Mga Salita ng Pag-ibig ni Ina” alinsunod sa mga katuruan Niya, na naghahayag ng kaluwalhatian ng Makalangit na Inang Jerusalem sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang mabubuting gawa.
Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos. Romans 12:2
Ikaw ay bumangon, magliwanag ka, sapagkat ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay sumikat sa iyo. Sapagkat narito, tatakpan ang lupa ng kadiliman, at ng makapal na dilim ang mga bayan. Ngunit ang PANGINOON ay sisikat sa iyo, at ang kanyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong pagsikat. Isaiah 60:1–3
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy