Nawalan nina Esau at Judas Iscariote ang mga pagpapala dahil sa pagsasabi nila ng mga salitang walang-ingat, at tumanggap ng mga nag-uumapaw na pagpapala mula sa Diyos ang magnanakaw sa kanan at ang tatlong kaibigan ni Daniel dahil sa mga salitang sinabi nila nang may pananampalataya.
Gaya nito, dahil ang mga salitang lumalabas sa ating mga bibig ay hindi kailanman naglalaho kundi babalik sa atin sa Araw ng Paghuhukom, lagi tayong tinuturuan ng Diyos na mag-isip nang maraming beses bago tayo magsalita at na maging mabagal sa pagkagalit.
Kung mauunawaan natin na pinalayas tayo mula sa langit dahil nagkasala tayo, hindi tayo madidismaya sa ano mang bagay. Sa halip, makakapamuhay tayo ng isang pinagpalang buhay sa pagiging mapagpasalamat sa katotohanan na makakasama natin si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina na dumating sa Panahon ng Espiritu Santo at sa laging pagsasabi ng mabubuting bagay alinsunod sa mga katuruang ibinigay ng Diyos.
Unawain ninyo ito, minamahal kong mga kapatid: ang bawat tao ay dapat na maging mabilis sa pakikinig, marahan sa pagsasalita, mabagal sa pagkagalit; sapagkat ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos … Ngunit maging tagatupad kayo ng salita, at hindi tagapakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili … siya ay pagpapalain sa kanyang gawain.
James 1:19–25
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy