Ang nagpauna kay Haring Ciro at tumalo sa lahat ng kanyang kaaway, ang nagpagaling sa ketong ni Naaman, ang nagprotekta sa maliit na kaharian ng Juda mula sa pagsalakay ng 185,000 kawal ng Asiria at ng mga kaalyadong hukbo, at ang nagbigay sa hukbo ni Josue ng tagumpay sa labanan laban sa mga Amalekita ay ang ating Diyos na namamahala sa lahat ng bagay sa di-nakikitang mundo.
Naunawaan ni Apostol Pablo na kahit na ang isang tao ay magtanim ng isang buháy na nilalang, magdilig nito, at gumawa ng isang kapaligiran upang ito ay lumago, walang silbi ang mga ito kung wala ang Diyos na nagpapalago.
Gayundin, ang mga miyembro ng Church of God ay umaasa sa Diyos na laging kasama nila at tumutulong sa kanila.
Ang aking mga mata sa burol ay aking ititingin, ang akin bang saklolo ay saan manggagaling?
Ang saklolo sa akin ay buhat sa PANGINOON, na siyang gumawa ng langit at lupa.
Psalm 121:1–2
Malibang ang PANGINOON ang magtayo ng bahay, ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod.
Malibang ang PANGINOON ang magbantay sa lunsod, ang bantay ay nagpupuyat nang walang kabuluhan.
Psalm 127:1
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy