Si Cristo Ahnsahnghong ay ipinanganak sa isang bayan ng mga minahan na matatagpuan sa Jangsu-gun, Jeollabuk-do, Republika ng Korea, noong 1918. Sa unang pagdating ni Jesus 2,000 taong nakalilipas, kahit ang isang hayop na hindi makapagsalita ay nagbigay ng sabsaban sa Kanya at ang mga pantas mula sa silangan ay nagbigay sa Kanya ng mga handog na ginto, kamanyang, at mira. Nang dumating Siya sa ikalawang pagkakataon sa lupa bilang tao, mula sa sandaling ipanganak Siya, dumanas Siya ng mga pagsubok at pagdurusa.
Noong 1918, nang isinilang si Cristo Ahnsahnghong, bago pa man matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig na naglagay sa buong mundo sa isang bangungot ng kamatayan, muling tumakip sa buong mundo ang isang anino ng kamatayan. Ang Spanish Flu ay nakaapekto sa sangkatlo ng populasyon ng mundo at pumatay ng 50 hanggang 100 milyong katao. Ang Korea ay hindi eksepsiyon sa takot sa isang sakuna na tinatawag na “medikal na holocaust.” Ang lahat ng tao ng isang nayon ay nahawahan, at walang maglilibing ng mga katawan. Ang Spanish Flu ay tumama sa 7.6 milyon o 40% ng mga Koreano, at 140,000 sa kanila ang namatay.
Bakit nilagay ni Satans ang buong sangkatauhan sa kamatayan?
Mga 2,000 taong nakalilipas, nang ipanganak si Jesus, ipinag-utos ni Haring Herodes ang pagpatay sa lahat ng batang lalaki sa Bethlehem at mga kalapit lugar nito para patayin si Jesus. Gayundin, sa Panahon ng Espiritu Santo, sinubukan ni Satanas na hadlangan ang kapangnakan ng Ikalawang Pagdating na Cristo sa pagpatay sa lahat ng bata (Matthew 2:13-16).
Gayunman, hindi kailanman mahahadlangan ng kapangyarihan ng kadiliman ang layunin at kalooban ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Alinsunod sa propesiya ni Haring David at ng talinghaga ng puno ng igos, si Cristo Ahnsahnghong ay ipinanganak noong 1918 at nabautismuhan noong 1948 sa edad na 30, at isinikat ang liwanag ng buhay ng bagong tipan.
Ang World Mission Society Church of God ay naniniwala kay Ahnsahnghong, ang Cristo na dumating sa ikalawang pagkakataon alinsunod sa mga propesiya ng Biblia.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy