Pag nananalangin tayo sa Diyos, humihingi ng mga makamundong bagay, at ibinibigay ng Diyos ang sagot na iba sa inaasahan natin, maaari nating sabihin na, “Hindi sinasagot ng Diyos ang mga panalangin ko.”
Gayunman, hindi ito totoo.
Dapat nating malaman na ito ang paraan ng pag-ibig ng Diyos upang ipagkaloob sa atin ang pagpapala na kaharian ng langit na nagbibigay ng pakinabang sa ating mga kaluluwa.
Ang pag-ibig ng isang ina na nagsakripisyo ng kanyang sarili para iligtas ang isang sanggol sa isang malamig na araw ng taglamig noong Enero ng 1951 ay nagpapaisip sa atin tungkol sa sakripisyo ng ating mga espirituwal na Magulang, na si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina.
Isinakripisyo Nila ang Kanilang mga sarili para alisin ang mga kasalanan ng sangkatauhan at ibigay sa sangkatauhan ang walang hanggang kaharian ng langit.
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sa isa’t isa, sapagkat ang pag-ibig ay sa Diyos at ang bawat umiibig ay ipinanganak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos.
Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos; sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
1 John 4:7–8
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy