Sinubok at dinalisay ng Diyos ang mga puso ng mga Israelita sa walang katapusang di-kanais-nais na sitwasyon habang nasa disyerto sila nang 40 taon. Gaya nito, madalas tayong nakakatagpo ng mga salita ng Diyos na mahirap para sa atin na sundin nang may pag-iisip na, ‘Masusunod ko ba talaga ito?’ Gayunman, dinadalisay tayo ng Diyos gaya ng ginto sa pagpapahintulot sa atin na magtiis at magsikap para sundin ang mga Salita upang sa huli, muli tayong maipapanganak bilang mga anak ng Diyos at tatanggap ng mga makalangit na pagpapala.
Si Pollyanna, mula sa nobelang pinamagatang “Pollyanna” na nailathala sa U.S. noong 1917, ay nagpasaya ng mga tao sa paligid niya sa pamamagitan ng “Laro ng Kagalakan.” Sa parehong paraan, tayong mga anak ng Diyos ay dapat na laging magalak at magpasalamat, iniisip ang tungkol sa pagpapala ng maluwalhating kaharian ng langit na ipagkakaloob sa atin ng Diyos Ama at Diyos Ina.
Magalak kayong lagi. Manalangin kayong walang patid. Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo
1 Thessalonians 5:16–18
Ang dalisayan ay para sa pilak at ang hurno ay sa ginto, ngunit sinusubok ng PANGINOON ang mga puso.
Proverbs 17:3
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy