Kung naniniwala tayo sa ebanghelyo ng bagong tipan, tamang nakakaunawa sa mga kautusan ng Diyos, at sumusunod dito, makakatanggap tayo ng buhay na walang hanggan, magiging maharlikang pagkapari, at magmamana ng kaharian ng Diyos. Higit pa rito, ang kautusan ng Diyos ang aakay sa atin kay Cristo Ahnsahnghong at sa Makalangit na Inang Bagong Jerusalem, na gagabay sa atin tungo sa walang hanggang kaligtasan.
Ang mga propeta, kabilang si Isaias, ay nagsasabi sa atin na ang paniniwala na, ‘Hindi natin kailangang sundin ang kautusan ng Diyos,’ ay humantong sa maraming sakuna sa lupa sa huli.
Ang mga sumusunod sa kautusan ng Diyos gaya ng iniutos sa kanila ay makakaranas ng kagalakan, kasiyahan, at kapayapaan, habang ang mga tumatanggi sa kautusan ng Diyos ay makakaranas ng mga sakuna at sumpa bilang bunga ng kanilang mga pag-iisip.
at kayong mga pinahihirapan ay bigyan ng kapahingahang kasama namin, sa pagkapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel, na nasa nagliliyab na apoy, na magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus.
2 Thessalonians 1:7–8
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy