Nang lumakas ang kanilang kaharian, ang mga haring gaya nina Rehoboam, Saul, Uzias, Ahaz, at Zedekias ay nagtaas ng kanilang sarili at naging mapagmataas.
Kalaunan, nagkasala sila laban sa Diyos at nawasak.
Sa kabilang banda, si Jotam, si David, at si Daniel at ang kanyang tatlong kaibigan ay laging naging tapat sa Diyos at pinagpala ng Diyos.
Isa itong mahalagang aral na nagpapakita ng direksiyon ng pananampalataya na dapat na sundan ng mga miyembro ng Church of God sa mga araw ngayon.
Dapat na lagi silang maging tapat sa Diyos, hindi nagkakaroon ng pananampalatayang nag-aalinlangan depende sa mga kalagayan at mga kondisyon.
Gayundin, dapat silang maniwala sa tulong ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina at magsagawa ng gawain ng ebanghelyo alinsunod sa salita ng Diyos.
Pagkatapos, gagawin ng Diyos ang Zion na maging makapangyarihan, maunlad, at namumukod-tangi sa buong mundo gaya ng kaharian ni David.
Sa gayo’y namatay si Saul dahil sa kanyang kataksilan. Naging taksil siya sa PANGINOON, sapagkat hindi niya sinunod ang utos ng PANGINOON. Bukod dito'y sumangguni siya sa tumatawag ng espiritu ng patay, at humihingi ng patnubay, at hindi humingi ng patnubay sa PANGINOON.
Kaya’t siya’y kanyang pinatay at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Jesse.
1 Chronicles 10:13–14
Kaya’t si Jotam ay naging makapangyarihan, sapagkat inayos niya ang kanyang pamumuhay sa harapan ng PANGINOON niyang Diyos.
2 Chronicles 27:6
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy