Si Cristo Ahnsahnghong ay Diyos dahil tanging si Cristo Ahnsahnghong
ang Ugat ni David na dumating sa mga huling araw at nagbalik sa walang hanggang
tipan sa pamamagitan ng pagbubukas ng Biblia na natatakan. Ang Cristo na
dumating sa pangalang Jesus sa Kanyang unang pagdating at sa pangalang
Ahnsahnghong sa Kanyang ikalawang pagdating ay nabautismuhan sa edad na 30
at tumanggap ng espirituwal na pagbubuhos ng langis. Pinangunahan Niya ang
kaharian ng ebanghelyo nang tatlong taon sa Kanyang unang pagdating at
nang 37 taon sa Kanyang ikalawang pagdating at tinupad ang propesiya ng
trono ni Haring David.
Noong 1948, ang taon kung kailan nakuha ng Israel ang kasarinlan nito alinsunod sa
talinghaga ng puno ng igos na tinuro ni Jesus, si Cristo Ahnsahnghong ay nakatayo na
sa may pintuan, nagkaloob sa atin ng pagpapala na kaligtasan sa pamamagitan ng
Paskuwa ng bagong tipan, nagtatag sa Church of God, at nagpatotoo tungkol sa Diyos Ina.
Ako’y labis na umiyak, sapagkat walang natagpuang sinuman na karapat-dapat magbukas
ng aklat, o tumingin sa loob nito. At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak.
Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan
niya ang aklat at ang pitong tatak nito.”
Revelation 5:4–5
Pagkatapos ang mga anak ni Israel ay manunumbalik at hahanapin nila ang PANGINOON
nilang Diyos at si David na kanilang hari. Darating silang may takot sa PANGINOON
at sa kanyang kabutihan sa mga huling araw.
Hosea 3:5
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy