Ang ASEZ, ang Church of God University Student Volunteer Group, ay daglat ng “Save the Earth from A to Z,” na nagpapahiwatig ng kapangyarihan ng mga estudyante sa unibersidad na magsimula ng pagbabago upang baguhin ang mundo.
Nang may paniniwala na ang pagbabago ng isang tao ay maaaring magpabago sa mundo, ang ASEZ ay nangunguna sa paglutas ng mga global na hamon at pakikilahok sa mga boluntaryong aktibidad nang may puso ng isang ina, naglalayon na magdala ng kasiyahan sa mundong nasa krisis.
Tinutuon ng ASEZ ang mga pagsisikap nito sa apat na pangunahing proyekto na may kanya-kanyang mithiin gaya ng sumusunod:
Unang Aksiyon. Pagbabawas ng Krimen Para sa Isang Ligtas na Mundo
Ika-2 Aksiyon. Pagtugon sa Pagbabago sa Klima Para sa Isang Napapanatiling Mundo
Ika-3 Aksiyon. Paglilingkod sa Komunidad Para sa Isang Ingklusibong Mundo
Ika-4 na Aksiyon. Pagtulong sa mga Nasalanta ng Sakuna Para sa Isang Matatag na Mundo
Ang pagbabago para sa mas mabuting mundo na ninanais ng lahat ay makakamit pag nagkaisa tayong lahat.
Ang ASEZ ay nakikipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno at mga internasyonal na organisasyon para tumugon sa mga agarang rehiyonal at pambansang isyu habang nagdaraos ng mga seminar at mga forum para itaas ang kamalayan ng komunidad.
Gumagawa rin ang ASEZ kasama ng mga pinuno sa buong mundo para magdulot ng kongkretong pagbabago.
Nang may di-natitinag na alab at dedikasyon, ang mga boluntaryo ng ASEZ ay nagsusumikap nang may puso ng isang ina. Bilang pagkilala sa mga pag-aambag nito, ang ASEZ ay ginawaran ng Gantimpala Mula sa Punong Kalihim ng UNCCD, Gintong Gantimpala Mula sa Presidente ng Estados Unidos Para sa Boluntaryong Serbisyo, Gintong Gantimpala na Green World, at Gintong Gantimpala na Green Apple.
‘Dito Nagsisimula ang Hinaharap!’
Inaasam natin ang isang hinaharap na hinubog ng lahat, mula sa campus hanggang sa buong mundo.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy