Dapat na dumaan sa napakaraming pagdadalisay sa apoy ang mineral ng ginto para maalis ang mga karumihan at maging purong ginto. Gaya nito, kailangan nating dumaan sa pagdadalisay para mamuhay alinsunod sa salita ng Diyos; nagaganap ang pagdadalisay sa pamamagitan ng mga pagsubok. Nawala kay Job ang lahat ng kanyang kayamanan at mga minamahal na anak sa isang araw, at kumalat sa kanyang buong katawan ang mga nakakapandiring bukol, pero hindi siya nagreklamo laban sa Diyos.
Ngunit nalalaman niya ang daang nilalakaran ko; kapag ako’y kanyang nasubok, ay lalabas akong parang ginto.
Job 23:10
Natatanggap natin ang mga pagsubok sa pagharap sa ibang mga tao o sa mga pinansiyal na paghihirap o sa pakikipaglaban sa ating mga sarili. Dapat nating alalahanin na sinasanay tayo ng Diyos na maging mga imortal at mga ganap na nilalang sa pamamagitan ng mga pagsubok. Kinokontrol ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang buhay at kamatayan, at kapalaran at kasawian. Wag tayong matakot sa mga pagsubok habang namumuhay alinsunod sa kalooban ng Diyos kundi pagtagumpayan natin ang pagdadalisay sa pagtitiwala sa Diyos.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy