Ang lingkod ni Eliseo ay gumawa ng isang tamang paghusga nang nabuksan ang kanyang mga mata; gaya nito, sa panahon ding ito, kailangan natin ang mga matang nakamulat — ang espirituwal na mata, hindi ang ating mga mata ng mundo ng ikatlong dimensiyon.
Paunti-unting tumataas ang temperatura ng likido at sa huli ay nagiging singaw pag umaabot ito ng 100 degree Celsius. Gaya nito, pag tinulungan natin ang isa’t isa at nagkaisa tayo sa isa’t isa para sa ebanghelyo, magkakaroon tayo ng mabuting bunga sa huli.
Pag naunawaan natin ang espirituwal na mundo at tiningnan ang lahat ng bagay nang may mga matang nakamulat, mauunawaan natin na lagi nating kasama ang libo-libong anghel ng langit at si Amang Ahnsahnghong at ang Diyos Ina. Kaya magiging mapagpasalamat tayo nang hindi natatakot sa ano mang mahihirap na sitwasyon at mga pagdurusa.
Ang abang taong ito ay dumaing, at ang PANGINOON sa kanya’y nakinig, at iniligtas siya sa lahat niyang mga ligalig. Ang anghel ng PANGINOON ay nagbabantay sa palibot ng mga natatakot sa kanya, at inililigtas sila.
Psalm 34:6–7
Sapagkat siya’y magbibilin sa kanyang mga anghel tungkol sa iyo, upang sa lahat ng iyong mga lakad ay ingatan ka.
Psalm 91:11
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy