Pag nahaharap tayo sa mga pagsubok, mga kapighatian, at mabigat na pasanin ng krus sa ating landas ng pananampalataya, ang mga tumuturing sa mga paghihirap na ito bilang pagdurusa, nag-iisip ng, ‘Ako ay sawimpalad,’ ay tunay na magiging hindi masaya, pero ang mga nakakaunawa ng mga pagpapala at nagpapasalamat sa mga sitwasyong ito ay makakatagpo ng kasiyahan at makakapasok sa kaharian ng langit.
Sinasabi ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina na, “Magalak kayong lagi at sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo,” at tinuturuan Nila tayo na isapamuhay ang isang nasisiyahang buhay dahil ang makamundong kasakiman ay lumilikha ng tukso at kalungkutan. Tinuturuan Nila tayo na sanayin ang mga sarili sa kabanalan sa pagbabago ng ano mang sawimpalad na sitwasyon sa masayang enerhiya.
Magalak kayong lagi. Manalangin kayong walang patid. Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo,
sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo.
1 Thessalonians 5:16–18
Mapalad ang taong nagtitiis ng pagsubok, sapagkat kapag siya ay subok na, siya’y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagmamahal sa kanya … Ngunit ang bawat tao ay natutukso ng sarili niyang pagnanasa, kapag siya ay nahila at naakit nito; at kapag ang pagnanasang iyon ay naipaglihi, ito ay nanganganak ng kasalanan, at ang kasalanan kapag malaki na ay nagbubunga ng kamatayan.
James 1:12–15
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy