Ang mga gawa ng bawat tao ay hindi nabubura kahit pagkatapos ng libo-libong taon kundi narirekord ang mga ito sa aklat ng buhay. Alinsunod sa paghatol ng Diyos kung karapat-dapat ba ang mga gawa sa mga gantimpala o sa parusa, makikilahok ang mga tao sa muling pagkabuhay ng mga matuwid, na magdadala sa kanila tungo sa langit, o sa muling pagkabuhay ng mga hindi matuwid, na magdadala sa kanila tungo sa impiyerno.
Nasaksihan ng mga banal ng sinaunang Simbahan ang muling pagkabuhay ni Jesus at tumayo silang matatag sa pananampalataya nila. Ngayon, tinuturuan tayo ni Cristo Ahnsahnghong at ng Makalangit na Ina na magkaroon ng pananampalataya sa muling pagkabuhay at sa pagbabagong-anyo. Tinuturo Nila na pag ang lahat ng tao ay natatakot sa Diyos at lubos na nagsisisi sa maikli nilang buhay, magbabagong-anyo sila sa katawang espirituwal gaya ni Jesus at babalik sa mundo ng mga anghel.
“Ako’y may pag-asa sa Diyos, na siya rin namang inaasahan nila, na magkakaroon ng muling pagkabuhay ng mga matuwid at ng mga hindi matuwid. Dahil dito’y lagi akong nagsisikap na magkaroon ng isang malinis na budhi sa Diyos at sa mga tao.”
Acts 24:15–16
Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo, na siyang magbabago ng ating hamak na katawan upang maging katulad ng katawan ng kanyang kaluwalhatian.
Philippians 3:20–21
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy