Kung babalewalain natin ang mga kautusan ng Diyos,
iniisip na, ‘Ayos lang ito. Hindi ito malaking bagay,’
maaari tayong magdulot ng pagkawasak hindi lang sa sarili
kundi pati sa mga tao sa paligid natin, gaya ng nagkakaroon ng
maraming malalaking aksidente pag hindi sinunod ang batas trapiko.
Kaya dapat tayong magkaroon ng pananampalatayang inuukit
ang mga kautusan ng Diyos sa mga puso at sinusunod ang mga ito.
Ang dahilan kung bakit sinasabi sa atin ni Cristo Ahnsahnghong
at ng Diyos Ina na, “Mahalaga ang bagong tipan,” ay dahil
malalaman natin ang tamang daan tungo sa kaharian ng langit,
mapapasariwa ang kaluluwa natin, at mabubuhay tayong muli
bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng bagong tipan.
“Bibigyan ko sila ng isang puso, at lalagyan ko sila ng bagong espiritu.
Aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila
ng pusong laman, upang sila’y makasunod sa aking mga tuntunin,
at maganap ang aking mga batas at magawa ang mga iyon.
Sila’y magiging aking bayan at ako’y magiging kanilang Diyos.”
Ezekiel 11:19–20
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy