Ang Araw ng Pagtubos, na ipinagdiriwang nang taon-taon sa Church of God ngayon,
ay nagsimula sa 40 taóng buhay ng mga Israelita sa disyerto;
at sa pamamagitan ng Araw ng Pagtubos, ipinaunawa sa atin ng Diyos
kung paano ibinibigay ang kapatawaran ng mga kasalanan at kaligtasan sa sangkatauhan.
Ang Araw ng Pagtubos ay ang araw kung kailan pinatawad ng Diyos
ang mga kasalanan ng mga Israelita na sumamba sa gintong guya
habang si Moises ay nananatili sa Bundok ng Sinai,
nag-aayuno sa loob ng 40 araw para tanggapin ang Sampung Utos.
Ito ay ang araw kung kailan ipinagkaloob sa kanila ng Diyos
ang Sampung Utos sa ikalawang pagkakataon bilang isang tanda
na pinatawad Niya ang kanilang mga kasalanan.
Sa mga ordinaryong panahon, ang lahat ng kasalanan
ng bayan ay pinanatili sa santuwaryo sa loob ng isang taon.
At sa Araw ng Pagtubos, ang mga kasalanan ay
ipinasa sa Azazel sa pagpapatong ng pinakapunong pari
ng kanyang mga kamay sa Azazel, at ipinadala ito sa disyerto.
Pag namatay ang Azazel, napapatawad sa wakas
ang lahat ng kasalanan ng bayan.
Gaya nito, ang Diyos Ama at Diyos Ina,
na realidad ng santuwaryo, ay pinasan ang lahat ng
kasalanan at mga pagdurusa ng sangkatauhan,
at sa Araw ng Pagtubos ay ipinapása Nila
ang lahat ng kasalanan kay Satanas, at pagkatapos ay
pumapasok si Satanas sa kaparusahan sa impiyerno.
At ang diyablo na dumaya sa kanila ay inihagis
sa lawa ng apoy at asupre, na kinaroroonan din naman
ng halimaw at ng bulaang propeta;
at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailanpaman.
Revelation 20:10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy