Ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan ang kapatawaran ng mga kasalanan at kaligtasan sa pamamagitan ng pangalang Jehovah sa Panahon ng Ama, sa pamamagitan ng pangalang Jesus sa Panahon ng Anak, at sa pamamagitan ng bagong pangalang Ahnsahnghong at sa pangalan ng Bagong Jerusalem sa Panahon ng Espiritu Santo.
Tinutupad ng Church of God ang kamangha-manghang gawain ng ebanghelyo sa buong mundo sa pamamagitan ng pangangaral tungkol kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina, ang mga Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo, gaya ng tinupad ng mga banal ng sinaunang Simbahan ang kamangha-manghang gawain ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng matapang na pangangaral ng pangalan ng Tagapagligtas na “Jesus” at pananalangin sa Kanyang pangalan sa ano mang kalagayan.
“Huwag kayong gagawa ng mga diyos na pilak na iaagapay sa akin ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diyos na ginto. Isang dambanang lupa ang iyong gagawin para sa akin, at iyong iaalay doon ang iyong mga handog na sinusunog, mga handog pangkapayapaan, mga tupa, at mga baka. Sa lahat ng dakong aking ipapaalala ang aking pangalan ay pupunta ako sa iyo at pagpapalain kita.”
Exodus 20:23–24
“Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawat sumasampalataya sa kanya ay makakatanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”
Acts 10:43
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy