Tinakda ng Diyos ang unang araw ng ikapitong buwan sa sagradong kalendaryo bilang Kapistahan ng mga Trumpeta upang alalahanin natin ang Araw ng Pagtubos, na gumugunita sa panahon kung kailan Niya pinatawad ang mga kasalanan ng mga Israelitang nahulog sa pagsamba sa diyos-diyosan at ipinagkaloob sa kanila ang ikalawang pangkat ng mga tapyas ng Sampung Utos. Higit pa rito, kung paanong hinipan ang mga trumpeta sa Kapistahan ng mga Trumpeta upang manawagan ng pagsisisi, pumarito rin si Jesus sa lupa at hinimok ang sangkatauhan na magsisi, na sinasabing, “Magsisi kayo.”
Gaya ng makikita natin sa talinghaga ng alibughang anak at sa salaysay tungkol kay Jonas na umakay sa 120,000 katao sa Ninive tungo sa kaligtasan, laging may nakahandang mga dakilang pagpapala mula sa Diyos pagkatapos ng gawain ng pagsisisi. Ngayon din, dapat nating makamit ang ganap na pagsisisi — gaya ni Jonas — para sa ating mga mata at puso na natuon sa mundo, at hipan ang trumpeta, na nananawagan sa buong mundo na bumalik kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina.
“Magsalita ka sa mga anak ni Israel: Sa unang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng unang araw ng ganap na kapahingahan, isang banal na pagpupulong na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng tunog ng mga trumpeta.”
“Kaya’t hahatulan ko kayo, O sambahayan ni Israel, bawat isa’y ayon sa kanyang mga lakad, sabi ng Panginoong DIYOS. Kayo’y magsisi, at lumayo kayo sa lahat ninyong pagsuway; sa gayo’y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.”
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy