Si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina ay pumarito sa lupa sa laman at lumakad ng landas ng pagdurusa para sa kaligtasan ng Kanilang mga anak na nabubuhay sa pasakit dahil sa mga kasalanang ginawa nila sa langit.
Pag nauunawaan natin ang pag-ibig at sakripisyo ng ating mga espirituwal na Magulang at ipinagmamalaki natin sila, kikilalanin tayo ng Diyos bilang “Aking mga anak” sa harap ng mga anghel at pagkakalooban tayo ng mga pagpapala.
Ipinagmamalaki ng bayan ng Diyos ang Diyos Jehovah sa Panahon ng Ama at si Jesus sa Panahon ng Anak.
Sa parehong paraan, dapat nating ipagmalaki si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina, na dumating bilang ang Espiritu at ang Babaing ikakasal sa Panahon ng Espiritu Santo.
Dapat din tayong magkaroon ng kamalayan sa mga espirituwal na magnanakaw na nagnanakaw ng ating mga puso, nagbabaling ng ating mga puso mula sa Diyos, at nagwawasak ng ating mga kaluluwa.
“At sinasabi ko sa inyo, ang bawat kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. Subalit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ipagkakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos.”
Luke 12:8–9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy