Pag tumingin tayong mabuti sa mga himalang nangyari sa Panahon ng Ama at sa Panahon ng Anak, gaya ng kung paano hinawi ng Diyos ang Dagat na Pula, pinaguho ang Lungsod ng Jericho, at pinatigil ang Araw, maiintindihan natin na natupad ang lahat ng bagay alinsunod sa salita ng Diyos.
Pumarito sa lupa ang Diyos Ahnsahnghong at ang Diyos Ina bilang ang Espiritu at ang Babaing ikakasal sa Panahon ng Espiritu Santo. Sa tuwing sinusunod natin ang salita ng Diyos, naniniwala na isinasakatuparan ng Diyos ang gawain ng ebanghelyo, isang kamangha-manghang gawa ng ebanghelyo ang naisasagawa kahit sa sandaling ito.
(Samyo ng Zion: Natupad ang gawain ng ebanghelyo sa loob ng apat na buwan pagkatapos ng kapistahan ng pangangaral ng Pentecostes)
Nang magkagayo’y nagsalita si Josue sa PANGINOON nang araw na ibinigay ng PANGINOON ang mga Amoreo sa harapan ng mga anak ni Israel; at kanyang sinabi … “Araw, tumigil ka sa Gibeon; at ikaw, Buwan, sa libis ng Aijalon.” At ang araw ay tumigil at ang buwan ay huminto, hanggang sa ang bansa ay nakapaghiganti sa kanyang mga kaaway
[Joshua 10:12–13]
Pagkatapos, iniunat ni Moises ang kanyang kamay sa ibabaw ng dagat, at pinaghiwalay ng PANGINOON ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging mula sa silangan sa buong magdamag, at ang dagat ay ginawang tuyong lupa at ang tubig ay nahawi.
[Exodus 14:21]
Nang matapos na siya sa pagsasalita ay sinabi niya kay Simon, “Pumunta ka sa malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli.” … “Guro, sa buong magdamag ay nagpakapagod kami at wala kaming nahuli. Subalit dahil sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.” Nang magawa nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda, at halos masira ang kanilang mga lambat
[Luke 5:4–6]
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy