Maging sa mga araw ngayon, ang mga salita ng Diyos na, “Sundin ang bagong tipan gaya ng Sabbath at ng Paskuwa,” ay naglalaman ng Kanyang malalim na kalooban para pagpalain ang sangkatauhan sa pamamagitan ng bagong tipan. Ito ay gaya noong sinabi ng Diyos kina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden na, “Wag kayong kumain mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama,” upang pagpalain sila.
Kung didepende lang tayo sa sarili nating karanasan at kaalaman at hahamakin natin ang mga salita ng Diyos, tatanggap tayo ng mga paghihirap at mga kasawiampalad sa huli.
Tinuro ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina na pag pinahalagahan natin ang salita ng Diyos gaya ng ginawa nina Daniel, Shadrac, Meshac, at Abednego, tatanggap tayo ng pagpapala at kaluwalhatian na gugulat sa mundo.
“Inyong maingat na gawin ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito upang kayo’y mabuhay at dumami, at makapasok at angkinin ang lupain na ipinangako ng PANGINOON sa inyong mga ninuno.”
Deuteronomy 8:1
“Kung susundin mo ang tinig ng PANGINOON mong Diyos at maingat mong gagawin ang lahat ng kanyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, itataas ka ng PANGINOON mong Diyos sa lahat ng mga bansa sa lupa”
Deuteronomy 28:1
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy