Sa kapangyarihan ng Diyos, napalaya ang mga Israelita mula sa 430 taong pagkaalipin sa Ehipto, at nagtungo sa Canaan. Gayunman, nakalimutan ng mga Israelita ang biyaya ng Diyos na Siyang nagpalaya sa kanila. “Bakit ninyo kami iniahon mula sa Ehipto sa disyertong ito?”
Ang mga taong nagreklamo ay tinuklaw ng mga makamandag na ahas at namatay. (Nu 21:6)
At sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Gumawa ka ng isang makamandag na ahas at ipatong mo sa isang tikin, at bawat taong nakagat ay mabubuhay kapag tumingin doon.” (Nu 21:8)
Kung gayon, ang ahas na tanso ba ang nagligtas sa kanila?
Hindi. Niligtas sila ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita na, “Bawat taong nakagat ay mabubuhay kapag tumingin doon.” Gayunpaman, sinamba ng mga Israelita ang ahas na tanso sa loob ng daan-daang taon, iniisip na mayroon itong mahiwagang kapangyarihan.
Nang pinagputul-putol ni Haring Hezekias ang ahas na tanso, pinuri siya ng Diyos at ginawa siyang matagumpay sa lahat ng ginawa niya (2 Ki 18:3–7).
Bakit pinuri ng Diyos si Hezekias noong pinagputul-putol niya ang ahas na tanso? Ito ay dahil ang sino mang sumasamba sa diyos-diyosan ay mawawasak.
Ang kasaysayan ng pagsamba sa ahas na tanso ay isang propesiya na ang mga simbahan ay magtatayo ng krus at mawawasak.
“Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas (na tanso), kailangan din namang itaas ang Anak ng Tao” (Jn 3:14–15)
Hindi ang krus ang nagligtas sa atin, kundi si Jesus. (1 Pe 1:18–19) Gayunman, sa mga araw ngayon, sumasamba ang mga simbahan sa krus, gaya ng pagsamba ng mga Israelita sa ahas na tanso. Ang krus ay isang piraso lang ng kahoy, gaya ng ang ahas na tanso ay isang piraso lang ng tanso (Ac 5:30). Ang mga simbahang nagtatayo ng krus ay mawawasak. (Dt 27:15)
“Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko, upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan, at huwag kayong makabahagi sa kanyang mga salot.” (Rev 18:4)
Sinusunod ang mga katuruan ng Ikalawang Pagdating na Cristo Ahnsahnghong, ipinapaalam ng Church of God sa lahat ng tao na ang insidente sa ahas na tanso ay isang propesiya ng pagsamba sa krus. Pakiusap, pumunta sa Church of God, na siyang Zion kung saan nananahan ang Diyos Ina, ang Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo at makakatakas kayo mula sa huling sakuna at maliligtas.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy