Noong 2023, nagsimula ang Kurso ng ASEZ WAO Tungkol sa Wikang Koreano sa Embahada ng Uzbekistan sa Korea.
Ang kurso tungkol sa wikang Koreano ay tumagal ng humigit-kumulang na anim na buwan, kung saan naglaan ng oras ang mga diplomata, kabilang ang kinatawang chief of mission ng embahada, sa pag-aaral ng Hangeul (alpabeto ng Korea) at pagkakatuto tungkol sa kultura ng Korea kasama ng mga aktibista ng ASEZ WAO.
Noong December 17, ang “Seremonya ng Pagtatapos Para sa Kurso ng ASEZ WAO Tungkol sa Wikang Koreano Kasama ang Embahada ng Uzbekistan sa Korea” ay naganap sa Seoul, Korea.
Sa araw ng seremonya ng pagtatapos, nagpahayag ng pasasalamat ang mga opisyal mula sa embahada sa ASEZ WAO sa wikang Koreano at nagbasa sila ng mga liham sa wikang Koreano, nagpapakita ng kanilang kahusayan sa wikang ito.
Kasunod ng Unang Bahagi ng seremonya ng pagtatapos, itinampok sa Ikalawang Bahagi ang isang kaganapan para sa pagpapalitan ng kultura kung saan nagsaya ang mga kalahok sa mga makabuluhang sandali, sumasali sa mga tradisyonal na laro ng Korea gaya ng jegichagi (Koreanong sipa), tuho (laro ng paghahagis ng palaso), at paggawa ng dalgona (Koreanong kendi na gawa sa asukal).
Bilang sagot, naghain ang mga staff ng embahada ng tradisyonal na pagkain ng Uzbekistan sa mga miyembro ng ASEZ WAO, na ginawa itong mas makabuluhan pagdating sa pagpapalitan ng kultura sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa 2024, ang ASEZ WAO ay patuloy na magpapalaganap ng wikang Koreano at kulturang Koreano sa pangunguna sa mga aktibidad para sa sangkatauhan.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy