Mahigit 200 boluntaryo ng ASEZ, mga estudyante, at Faculty members ng Technological Institute of the Philippines (TIP) ang nagtipon noong Hulyo 15, 2026 para sa isang makabuluhang seminar na naglalayong palakasin ang kamalayan ng kabataan sa pag-iwas sa krimen at pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang komunidad.
Nagbigay rin ng suporta at inspirasyon ang mga kinatawan mula sa TIP, Philippine National Police (PNP), at ASEZ:
📌 Dr. Glorielyn Camerino
Principal, TIP High School
“As a TIPian student, each one of you should be a catalyst of change, change to make the world a happier place.”
📌 PCPT Rommel Sumalinog
Resource Speaker, PNP Child Development Center
Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at mga praktikal na survival at safety tips upang mapanatiling ligtas ang mga kabataan sa iba't ibang sitwasyon.
📌 Cieraline Ignacio
ASEZ, Quezon City Branch
Nagbigay ng presentasyon tungkol sa Reduce Crime Together (RCT) Project, isang pandaigdigang inisyatiba na naghihikayat sa sama-samang pagkilos upang mabawasan ang krimen at mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.
📌 Michael Lee
Overseer, ASEZ Quezon City
“Violence among young people is becoming a serious concern nowadays. That is why all of you have an important role to play.”
Sa pamamagitan ng ASEZ Reduce Crime Together (RCT) Project, hinihikayat ang mga kabataan na maging mga huwaran ng positibong pagbabago at aktibong katuwang sa pagtatayo ng isang Crime-Free Campus at mas ligtas na lipunan.
Sama-sama nating bawasan ang krimen at itaguyod ang kultura ng kapayapaan!
KOREAI Köztársaság, Gyeonggi-do, Seongnam-si, Bundang-gu, 119 Bundang P.F.
Telefon 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Központ: Koreai Köztársaság, Gyeonggi-do, Seongnam-si, Bundang-gu, Sunae-ro, 50
Főtemplom: Koreai Köztársaság, Gyeonggi-do, Seongnam-si, Bundang-gu, Pangyoyeok-ro, 35
ⓒ Isten Egyháza Világküldetés Társasága. Minden jog fenntartva. Adatvédelmi Irányelvek