Nagdaos ng konsyerto ang World Mission Society Church of God sa Lungsod ng Las Piñas, noong ika-14 ng Hulyo 2024. Ito ay may temang: "Masayang Konsyerto na may Puso ni Ina.” Higit sa 500 bisita ang malugod na tinanggap sa kaganapang ito na binubuo ng mga kaibigan, kapamilya, katrabaho at kaklase ng mga miyembro ng Church of God.
Pinanood ng mga bisita ang Introduction Video ng Church of God sa unang bahagi ng konsyerto, at sinundan ito ng nakakaantig na pagtatanghal ng orkestra ng mga klasikal at popular na musika gaya ng “Salut d’ Amour,” A Whole New World,” “Summer” at mga orihinal na komposisyon ng Church of God kabilang ang “Beautiful is Today,” “O My Dear Heavenly Home!” at “We Will Be Changed in a Flash.” Nagdagdag ng espesyal na elemento ang nagkakaisang pag-awit ng septet at pagtugtog ng orkestra. Ilan sa mga awiting itinaghal ay, “Amazing Grace,” “When You Believe,” at “Beautiful Country.” Pagkatapos nito ay nakinig ang mga kalahok sa Bible Seminar na may titulong, “Paradigm Shift and the Age of Mother.”
"Nakakapagpasigla ang konsyerto. Unang beses akong lumahok sa isang kaganapang tulad ng konsyerto ng orkestra; ako rin ay lubos na nagpapasalamat sa aking asawa sa pagpapahintulot sa akin na masaksihan at maranasan ito,” pahayag ng isang bisita na tumanggap ng biyaya.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. All rights reserved. Privacy Policy